Minsan lang sa buhay natin ang makatagpo tayo ng isang taong hindi tayo kayang iwan ano man ang mangyari. Yung taong hinding hindi kayang ipagpalit ang pinagsamahan niyo sa walang kasiguraduhan at panandaliang kaligayahan. Minsan lang….
Alam mo, nahanap mo na siya eh, pero pinakawalan mo, iniwan at binitawan mo. Siguro nga siya ang nagmumukhang kawawa sa ngayon dahil siya ang umiiyak. Pero sa totoo lang, kung iisipin mong mabuti, hindi naman ang taong yun ang nawalan, IKAW. Dahil nawalan ka ng isang taong hindi ka kayang ipagpalit at bitawan gaano man kahirap ang sitwasyon. Nawalan ka ng isang taong kaya kang iyakan gabi-gabi. Nawalan ka ng isang taong kaya kang ipagmalaki sa buong mundo.
Kapag hindi na siya bumalik sayo, kasalanan mo. Kapag hindi ka na nakakita ng tulad niya, kasalanan mo. Kapag napunta siya sa iba at naging mas masaya siya doon, kasalanan mo.
Kaya uulitin ko, IKAW ANG NAWALAN. IKAW.
(Source: icantspellyou)

n a v i g a t e